Thursday, September 23, 2010

Piraso

 Pangarap ko din ang pinagarap ng bawat bata sa mundo,
Ang maging mayaman, sikat at maging angat.
Pero, sa milyung-milyong pangarap na iyan, isa ang di ko kayang maabot.
Ang magkaroon ng TAHANAN, di lamang basta isang BAHAY.

Isa akong prinsipe, suot ay ginto, kastilyo ko’y bato.
Prinsipeng isang pitik lang, kailangan ko’y abot kamay na.
Isa akong prinsipeng may kaharian,
Ngunit wala naman Haring nagbabantay, walang reynang gumagabay.

Puros sakit at inggit man ang nararamdaman,di ko kailangang mangamba
Dahil alam ko baling araw, di man pangmatagalan, kahit isang araw
Sila’y makakasama kahit sa aking panaginip lamang
Ang aking ina’t amang kay tagal di nakasama.

Di man laan ng tadhana na kami ay magkasamasama
Aking pakakakantandaan sila’y aking ama’t ina
Di man pisikal ngunit sa aking isipan.
Sana kahit isang araw, sila’y mahagkan kahit sandal lamang.

May mga pangarap talagang hanggang pangarap na lang.
Sa hangin na lang naikukumpas, sa tubig lang naililista.
Si pa naman huli ang lahat, alam kong baling araw,
Di man ngayon, di man bukas baka nga sa kabilang buhay.

Friday, September 17, 2010

bago ang sarili,ang nakakarami muna.

"Life is full of choices", sabi nga ng karamihan. Choice daw natin ang maging masaya. Choice natin ang lahat. Ang lahat na nagyari at mangyayari pa sa ating buhay. Choice rin ba nating maging masaya tayo pero may masasaktang iba? o choice din ba natin maging mapagbigay para lang maging masaya ang iba?

Tama nga naman, isipin nga muna ang nakakabuti sa lahat bago ang pansariling kapakanan. Tama nga naman,itinuturo na yan ng ating mga teacher, mula elementary hanggang kolehiyo, maging sa ating mga trabaho. Tama nga naman, maski sa bibliya ng Diyos nakasulat 'yan. Isipin muna ang iba bago anu pa man sa lahat. Sana nga lahat ng tao ganyan, lahat ng tao sensitive sa kapakanan at sa damdamin ng iba. Sana nga.

Walang maaapakan, kung walang magpapatapak. Tama ulit. Masama nga bang isipin ng mga taong nagpapatapak ang kapakanan ng iba? Hindi naman, di ba? Pero, di rin naman natin masisisi ang mga taong nananapak, kasi di naman nila sinasadya, nagiging INSENSITIVE lang talaga sila. Masaya nilang nakukuha ang lahat dahil sa pagbibigay-daan ng mga taong inisip ang kanilang kapakanan.

"Masaya na ako, masaya naman ang lahat", sabi ng taong manhid pero plastik. Tama! Lokohin man nila ang kanilang mga sariling masaya sila pero deep inside hindi naman talaga, pagpapakapalstik na yun, eh bakit? kung aangal ba siya na hindi sya masaya, mapapakinggan ba siya? Mauunawan ba siya? syempre hindi, masaya na ang iba eh, kaya di na nila naiisip kung masaya pa ba ang iba?

Sana nga lahat ng tao pantay pantay na lang. Walang angat, walang lumulubog o di kaya'y kung ang isa'y angat iaaangat din ang iba at sa palubog sama-sama. sana nga, pero fair talaga si God eh, ginawa nyang perpekto ang mundo pero di sa mga mata ng tao. bakit? kung lahat ng tao ay doktor? may gagamutin pa ba? kung ang lahat ng tao ay pulis? may lalabas bang kriminal? God is fair all the time. Ginawa Niyang balanse ang mundo, na sa tuwing may sasaya, asahan na nating may luluha.